Ikinasa ng Bacood Police Community Precinct 2 ng Sta. Mesa Police Station ang Oplan Sita sa kahabaan ng Lubiran Corner Bacood Street, Sta. Mesa, Maynila nito lang gabi ng Linggo, ika-11 ng Pebrero 2024.
Ang naturang operasyon na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Donelle E Brannon, Station Commander ng nasabing istasyon.
Nagsagawa ng mahigpit na inspeksyon ang kapulisan sa mga driver’s license ng mga motorista na nagmamaneho ng pampubliko at pampribadong sasakyan upang makasigurong ligtas ang bawat driver at pasahero na bumabaybay sa bawat kalsada sa syudad.
Ito ay naglalayong mapanatili ang kaayusan at mas paigtingin pa ang seguridad sa lugar at maiwasan ang anumang krimen sa kanilang nasasakupan na alinsunod sa pangunahing prayoridad ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na mapanatiling ligtas at maayos ang ating bansa.
Source: Sta. Mesa MPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos