Tanza, Cavite – Nagsagawa ng Oplan Pugay Bathala at Police Assistance o Security ang Tanza PNP sa Saint Augustine Church, Brgy. Poblacion 1, Tanza, Cavite nitong Linggo, Agosto 28, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Master Sergeant Manny Bucal sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Clarence John Erse, Officer-In-Charge ng Tanza Municipal Police Station.
Dumalo ang mga kapulisan sa pagsamba at pinaalahanan ang mga nagsisimba na panatilihing gumamit ng facemasks at social distancing habang nakikinig sa misa at mapagmatyag sa mga dalang gamit at kahina-hinalang tao.
Layunin nitong mas mapalakas ang paniniwala sa Diyos na nagbibigay buhay para magampanan ng mabuti ang tungkulin sa bayan.
Hinikayat din ang mga nagsisimba na suportahan ang programa ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkakaroon ng krimen sa lugar at sundin ang minimum health safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.
Source: Tanza Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin