Thursday, November 28, 2024

Oplan Malasakit, isinagawa ng RMFB 14

Maguindanao – Nagsagawa ang mga kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion 14 ng Oplan malasakit na may temang “Alay Edukasyon hatid ng RMFB Katorse”, isang one-day lecture sa limang iba’t ibang paaralan sa Parang, Maguindanao na ginanap sa Camp BGen Salipada K Pendatun nito lamang ika-26 ng Pebrero 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Sabri Lakibul, Deputy Force Commander ng RMFB 14, sa pamumuno ni PLtCol Argel Ancheta, Force Commander na dinaluhan ni Hon. Jinkee Ala Kali, Municipal Councilor, Chairperson, Committee on Education bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa limang iba’t ibang paaralan mula sa Parang National High School, Parang Foundation College, SAL Foundation College, Illana Integrated Computer College Inc. at St. Banedict College Inc.

Kabilang sa aktibidad ang pagbibigay kaalaman patungkol sa Counter Anti-Terrorism Awareness (CATA), Republic Act 11313 o “Safe Spaces Act”, RA 9262 o Violence Against Women and their Children”, RA 10627 o “Anti-Bullying Act”, Drug Awareness, Human Rights, at Gender Sensitivity, na naglalayong mas maging masunurin sa batas at magalang na kabataan sa ating komunidad.

Nilalayon nitong turuan at protektahan ang komunidad, itanim ang mga halaga ng pamumuno at responsibilidad sa lipunan.

Inatasan din ang mga estudyante na gumawa ng group activity na may presentasyon upang maipakita ang kanilang mga natutunan sa paksang tinalakay.

Ito ay alinsunod din sa programa ng RMFB 14 na “Lapis at Papel Program” na naglalayong itaguyod ang karapatan ng bata sa edukasyon kabilang ang mga materyales sa pagsusulat bilang pangunahing pangangailangan ng mga estudyanteng walang sapat na kakayanan.

Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles