Agad umalalay at nagsagawa ng Oplan Libreng Sakay ang mga kapulisan ng Legazpi Police Station sa mga stranded na pasahero dahil sa epekto ng Bagyong Kristine nito lamang Oktubre 22, 2024.
Sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ray Anthony M Villanueva, hepe ng Legazpi CPS ay nagtalaga ito ng mga tauhan at mga sasakayan upang tulungan ang mga pasaherong naapektuhan ng bagyo upang makauwi sa kanilang tirahan ng ligtas.
Prayoridad ng PNP ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa at pinaalalahanan ang lahat na maging mapagmatyag at makipag-ugnayan sa pulisya sa mga kinakaharap na sakuna dahil sa bagong Pilipinas gusto ng pulis, ligtas ka!.