Isinagawa ang OPLAN “Katok ng Biyaya” sa Barangay Ilian, Marantao, Lanao del Sur nito lamang ika-30 ng Nobyembre 2024.


Pinangunahan ng mga school staffs ng Toril, Maruhom Qa’dhe Islamic School katuwang ang Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, na nakapagbigay ng food packs and school supplies sa 25 na estudyante ng naturang paaralan.
Ang aktibidad ay may layuning maipakita ang malasakit at suporta ng kapulisan sa mga mag-aaral, lalo na sa mga lugar na lubhang nangangailangan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gamit pang-eskwela.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pag-abot ng kapulisan sa komunidad upang mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at ng mga mamamayan.