Isinagawa ng mga tauhan ng Monkayo Municipal Police Station ang Oplan Kapkap sa mga pangunahing lugar ng pagtitipon sa Monkayo, Davao de Oro kabilang na ang mga bahay inuman nito lamang ika-31 ng Disyembre 2024.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Marquizo Ranel Bacani, Hepe ng Monkayo Municipal Police Station.
Layunin ng operasyon na matukoy ang mga posibleng panganib na maaaring magdulot sa mga residente, at magsilbing isang hakbang ng mga awtoridad upang mapanatili ang kaayusan.
Pinipigilan din nito ang anumang uri ng iligal na aktibidad, tulad ng pagbebenta at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Wala namang naiulat na insidente, na nagpapatunay ng tagumpay ng mga hakbang na ipinatupad ng kapulisan.
Ang pagsasakatuparan ng Oplan Kapkap ay nagpapakita ng kahandaan ng mga awtoridad sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapalaganap ng kaligtasan, dahilan sa masaya at ligtas na pagsalubong sa bagong taon ng buong komunidad ng Monkayo.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino