Sto. Niño, South Cotabato – Nagsagawa ng Oplan Kalinaw Reloaded ang mga tauhan ng Sto. Niño Municipal Police Station sa bahagi ng Purok Pioneer, Brgy. Poblacion, Sto. Niño, South Cotabato nito lamang Hulyo 26, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mismong hepe ng Sto. Niño MPS na si PMaj JS Toloso Pedrosa, katuwang ang LGU Sto. Niño, Kabalikat Radio Group, Knights of Columbus, MENRO at mga opisyal ng Brgy. Poblacion, Sto. Niño.
Bilang bahagi ng aktibidad ay nagkaroon ng lecture kaugnay ng pagsasagawa ng Oplan Kalinaw Reloaded Program na sinundan ng ilang aktibidad tulad ng tree planting, feeding program, libreng gupit para sa lahat at pamamahagi ng food packs para sa mga residente ng nasabing barangay.
Ang isinagawang programa ay naglalayong itaas ang moral at paigtingin ang diwa ng bayanihan at ipadama ang pagiging bukas-palad nating mga pilipino para sa ating mga kababayan.
Ito rin ay upang maipahayag sa mga tao na ang ating gobyerno katuwang ang kapulisan ay may sapat na kakayahan na magbigay serbisyo sa komunidad na tiyak na makakakuha ng tiwala at kumpiyansa ng publiko.
Bukod dito, ang buong kapulisan ng Sto. Niño MPS ay lubos na nagpapasalamat at natutuwa sa iba’t ibang sektor at institusyon na kusang-loob na nag-aabot ng kanilang tulong para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
###
Panulat ni Patrolman Gio Batungbacal