Ifugao – Nagsagawa ng “Oplan Galugad” o Greyhound ang mga tauhan ng Kiangan PNP sa Ifugao District Jail, Baguinge, Kiangan, Ifugao, nito lamang ika-22 ng Hunyo 2023.
Ayon kay Police Major Ryan Ananayo, Chief of Police ng Kiangan Municipal Police Station, ang operasyon ay isinagawa katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology na namamahala sa nasabing kulungan.
Nakuha mula sa kagamitan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang mga string, matutulis at matatalas na bagay na maaaring gamitin sa pananaksak at ipa bang posibleng maglagay sa kanila sa panganib.
Ang naturang operasyon ay naglalayong tiyakin na walang mga ipinagbabawal na materyales ang mga PDLs at panatilihin ang kaligtasan at kaayusan sa loob ng kulungan.