Beguet – Nakatanggap ng tulong mula sa Benguet PNP sa pamamagitan ng Oplan Bumadang ang isang pamilya na biktima ng sunog sa Poblacion, Tuba, Benguet nito lamang ika-9 ng Mayo 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang pamilya ni Ginang Anastacia Acosta ay nasunugan.
Nakatanggap ang nasabing pamilya ng kitchen utensils at assorted grocery items na nagkakahalaga ng Php10,100 at financial assistance na nagkakahalaga ng Php17,683.
Ang munting tulong ay tinanggap ng pamilya Acosta sa isinagawang simpleng programa kasama ang Barangay Officials, mga residente ng Poblacion, Tuba, Benguet at Benguet PNP.
Ang aktibidad ay bahagi ng isa sa mga agenda ng Hepe ng Pambansang Pulisya, Police General Benjamin Acorda Jr., na Community Engagement at naglalayong makatulong sa mga mamamayan na higit na nangangailangan sa kanilang nasasakupan.