Sunday, November 24, 2024

“Oplan Booby” isinagawa ng Cordillera PNP

Sadanga, Mountain Province – Nagsagawa ng “Oplan Booby” ang Mountain Province PNP sa Barangay Betwagan, Sadanga, Mountain Province at Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga nito lamang Miyerkules, Abril 13, 2022.

Ang “Oplan Booby” ay isinasagawa upang tanggalin ang posibleng naitanim na mga Improvised Explosive Device (IED) at booby traps sa pinagtatalunang lupa upang maiwasan ang pinsala o pagkamatay ng mga taong walang kamalay-malay na naglalakad sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Colonel Ruben Andiso, Provincial Director, Mountain Province Police Provincial Office, nadiskubre ang isang booby trap na may MK2 hand grenade sa nasabing lugar at agad naman itong pinasabog ng mga tauhan ng Provincial EOD at Canine Unit-Mountain Province (PECU).

Ayon pa kay PCol Andiso, tatlo pang site ang natuklasan sa Mt. Khumaykay kung saan isa ang may bakas ng sumabog na booby trap, isa na may mga bakas ng naka-set up na booby trap at isa na may improvised shotgun 12 gauge na may fired shotgun shell at trip wire.

Dagdag pa ni PCol Andiso, narekober din nila ang tatlong fired cartridge cases ng M16, isang fired cartridge case ng M14 at isa sa Garand.

Pinapaaalahanan ng PNP ang mga mamamayan na mapanuri at mag-ingat sa masusukal na lugar na puwedeng tamnan ng mga booby trap at makipagtulungan sa PNP na iulat kapag may makitang ganitong set-up sa kanilang lugar.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles