Cebu City, Cebu – Nagsagawa ng Oplan Bisita Eskwela, Project Juana Community Outreach, at Information Drive ang mga kapulisan ng Central Visayas sa Brgy. Lusaran, Cebu City noong ika-29 ng Hunyo 2022.
Ang mga naturang aktibidad ay bunga ng pagtutulungan ng mga kawani ng Family Juvenile and Gender Sensitivity Section ng PRO7; Regional Community Affairs Development Division; Cebu City Police Office; Regional Medical and Dental Unit 7; at PNP Recruitment and Selection Unit 7.
Ayon sa Chief ng Regional Community Affairs and Development Division, Police Colonel Antonietto Y Cañete, maliban sa pamamahagi ng food packs sa mga magulang at Jollibee Meal sa nasa mahigit 50 mag-aaral ng Kang-Atis Elementary School, binigyang kaalaman din ang mga dumalo patungkol sa mga batas na nagpoprotekta at kumakalinga sa karapatan ng mga bata at kababaihan.
Ayon pa kay Police Colonel Cañete, ang malaman ang sitwasyon ng ating mga kababayan at mabigyang kaalaman patungkol sa kanilang mga karapatan ay ang siyang pangunahing layunin ng matagumpay na gawain.
Binigyang kilala naman ng naturang opisyal ang aktibong pakikiisa at suporta ng mga opisyales ng naturang barangay, mga guro ng nasabing paaralan, at mga pinuno ng advocacy support groups.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa tulong at aral na ibinahagi ng ating mga butihing alagad ng ating bayan.
Ang mga programang patuloy na binibigyang katuparan ng Pambansang Pulisya ay isang paraan upang maiparamdam ang tulong at suporta mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at upang mas lalong pagtibayin ang nabuong ugnayan sa mamamayan.
###