Oas, Albay – Matagumpay na nagsagawa ng Oplan Bisita Eskwela, Project Juana at Elderly Care Program ang Bicol PNP sa Barangay Balogo, Oas, Albay nito lamang Huwebes, Hulyo 28, 2022.
Ang mga nasabing aktibidad ay bunga ng pagtutulungan ng mga kapulisan ng Family Juvenile Gender and Development (FJGAD) sa pamumuno ni Police Major Arwin Destacamento, Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) at Oas Municipal Police Station.
Nagkaroon ng feeding program, pamamahagi ng school supplies at hygiene kits sa mahigit 30 na mag-aaral ng Balogo Elementary School at pamimigay ng food packs sa 100 na residente ng nabanggit na lugar.
Binigyang kaalaman din ang mga dumalo patungkol sa mga batas na nagpoprotekta at kumakalinga sa mga karapatan ng mga bata at kababaihan na siyang pangunahing layunin ng nabanggit na programa.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng ika-27th PCR Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa tulong at aral na ibinahagi ng mga butihing kapulisan.
Ang programang ito ay patuloy na isinasakatuparan ng PNP upang ipaabot ang mga tulong at suporta sa mga mamamayan na nangangailangan at hikayatin ang mga kabataan na mag-aral ng mabuti.
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia