Albay – Binisita ng mga tauhan ng 1st Albay Provincial Mobile Force Company ang mga mag-aaral ng Sugcad Elementary School sa isinagawang Bisita Eskwela sa Brgy, Sugcad, Polangui, Albay nito lamang ika-28 ng Marso 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Corporal Andrie Arcabos, Assistant PCAD PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Erwin Doma, Force Commander ng 1st Albay PMFC.
Ibinahagi sa mga mag-aaral ang mga paksa tungkol sa Anti-Bullying Act, Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at Safe Spaces Act, Cybercrime Prevention Act, Anti-Terrorism Act.
Ang aktibidad ay bahagi ng OPLAN BES (Bisita Eskwela) I am Strong Program na naglalayong hubugin at impluwensyahan ang mga mag-aaral na maging “STRONG” (Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice and God-Fearing).
Ang naging hakbang ng 1st Albay PMFC na makapagbahagi ng mga kaalaman para matulungan, magabayan at maprotektahan ang mga kabataan ay bahagi ng programa na isinusulong ng Pambansang Pulisya na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran) para sa mas matatag na ugnayan ng komunidad at pulisya.
Source: First Albaypmfc Albay Ppo