Lambayong, Sultan Kudarat – Nagsagawa ng Oplan BES (Bisita Eskwela) ang Sultan Kudarat PNP sa Lambayong Central Elementary School nito lamang Martes, Abril 19, 2022.
Pinangunahan ni PCol Gilberto Tuzon, Officer-in-Charge ng Regional Community Affairs and Development Division kasama sina PLtCol Michael Odejerte, DPDA, Sultan Kudarat Police Provincial Office; PMaj Darwin Castillo, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit, SKPPO; PLt Gladys Banzuelo, Deputy PCADU/IO Officer, SKPPO; at mga tauhan ng Lambayong Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Jenahmeel Toñacao, Chief of Police, ang pagsasagawa ng programa sa naturang paaralan.
Ayon kay PCol Tuzon, humigit 100 na mag-aaral ang nahandugan nila ng libreng pagkain at school supplies.
Maliban dito, nagturo rin ang PNP ng mga batas na nagpoprotekta sa mga kabataan at mga dapat gawin upang maiwasan ang COVID-19 virus.
Labis naman ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan sa isinagawang programa ng PNP.
Dahil dito ay napasaya at mas lalong nahikayat ang mga kabataan na mag-aral ng mabuti.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin
Ang mga pulis ay may tunay n malasakit