Surigao Del Norte (January 21, 2022) – Nag-donate at namigay ng mga food packs, sako ng bigas, sari-saring gamit, mineral water, damit, at buto ng gulay ang Lanao Del Norte Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Isias Bacurnay Jr., Provincial Director at ni Police Lieutenant Colonel Salman Saad, Chief, Police Community Affairs Development Unit, at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Lanao Del Norte sa pamamagitan ng Provincial Interfaith Council sa pamumuno ni Fr. Renato Caballero, Presidente sa Surigao City noong Enero 21, 2022.
Isa sa Faith Based Advocacy Support Group ng Lanao Del Norte Provincial Police Office ang tumungo sa Surigao Del Norte kaugnay ng “Operation Tabang CARAGA” sa koordinasyon sa Surigao Del Norte Police Provincial Office.
Naging benepisyaryo ang 980 na pamilya o 4,900 na indibidwal na apektado sa Bagyong “Odette” sa Sitio Toril, at Macricia Village, Islamic Center ng Brgy. Luna; New Life Gospel Church ng Brgy. Washington; at Brgy. Sta. Cruz, Placer.
Bukod dito, ang Faith Based Advocacy Support Group ng Lanao Del Norte Provincial Police Office ay naghandog ng mataimtim na panalangin para sa mga residente sa nasabing lugar.
####
Panulat ni Patrolman Joshua C Fajardo / RPCADU 10
Tunay n serbisyong publiko laging maaasahan ang mga alagad ng batas