Antequera, Bohol – Muling isinakatuparan ng mga tauhan ng Antequera PNP ang kanilang Best Practices na “OTAP” o Operasyon Tabang sa Brgy. Danao, Antequera, Bohol nito lamang Biyernes, Agosto 12, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kapulisan ng Antequera Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Johnrey Cutin Digao, Chief of Police.
Isang senior citizen sa naturang barangay na kanilang nasasakupan ang kanilang malugod na binisita at ipinagkaloob ang kanilang hatid tulong na grocery items, bigas at financial assistance.
Labis na ikinatuwa ni Nanay ang presensya at tulong na dala ng ating mga kapulisan, dagdag pa ni Nanay na malaking kaginhawaan ang dulot ng biyayang kanyang natanggap mula sa mga kapulisan.
Ang programang OTAP ng Antequera PNP ay naglalayong makatulong sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.
Hinihikayat naman ng Pambansang Pulisya ang bawat mamamayan na gawin ang kanilang makakaya upang makapagbahagi ng biyaya na mula sa Amang may likha, sapagkat ang simpleng tulong at pagbibigay ng importansya sa ating kapwa ay magdudulot ng isang mapayapa at masaganang pamayanan.
###