Laguna – Nagsagawa ng Opening Ceremony para sa 5-Day Preparedness, Search and Rescue and Relief Operations Seminar ang Regional Mobile Force Battalion 4A sa Camp General Macario Sakay, Los Baños, Laguna nito lamang Lunes, Abril 17, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Agosto Asuncion, Officer-In-Charge, Regional Mobile Force Battalion 4A, kung saan naging Panauhing Pandangal at Tagapagsalita si Police Colonel Roman Marin Jr., Chief ng Regional Learning and Doctrine Development Division.
Tinatayang 30 na mga miyembro ng RMFB 4A ang nakiisa sa naturang aktibidad na bahagi ng PNP Regional Training Action Plan CY 2023 na naglalayong bumuo ng competent, motivated, values-oriented at discipline na personnel.
Ang aktibidad ay isinagawa upang magbigay ng kaalaman, kasanayan at pamumuno sa post-disaster, magbigay ng mga serbisyong mahalaga sa komunidad at makatulong sa pagbaba ng bilang ng mga biktima ng kalamidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A