Cebu City – Nagsagawa ang Cebu City Police Office ng 5-Day Disaster Preparedness and Search, Rescue, and Relief Operation Seminar na ginanap sa Inday Pining Teatro University of the Visayas Main Campus Colon St., Cebu City nito lamang Lunes, Nobyembre 14, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Hepe ng City Community Affairs and Development Unit ng CCPO, Police Lieutenant Colonel Albert Reeves Quilitorio at sa tulong ng mga tauhan ng Cebu City PNP sa pamumuno ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director.
Kabilang sa mga dumalo sa programa ay ang Regional Director ng PRO 7, Police Brigadier General Roderick August Alba na kinatawan ni Police Colonel Percival Zorrilla, Chief RPRMD; Police Lieutenant Colonel Leoncio Baliguat Jr., Chief, RPCADU7; Police Captain Mark Renzi Ogalesco, Regional Chaplain; at ang mga inimbitahang lecturer mula sa Bureau of Fire and Protection.
Nasa 40 na mga tauhan mula sa iba’t ibang istasyon ng Cebu City PNP ang nakibahagi sa pagsasanay.
Ang Disaster Preparedness and Search, Rescue, and Relief Seminar ay isa lamang sa mga pagsasanay na pinagdadaanan at pinili ng bawat miyembro ng PNP upang maging mas mahusay ang kakayahan sa kanilang pagganap sa mga tungkulin at responsibilidad.
Layunin ng programa na paunlarin ang kakayahan ng ating mga kapulisan upang makapaghatid ng serbisyong nararapat lalo na sa mga panahon ng kalamidad para sa kapakanan ng ating komunidad.