Calamba City, Laguna – Isinagawa ang Opening Ceremony ng 45-Day Police Community Affairs and Development Course sa Bigkis-Lahi Event Center, Camp BGen. Vicente P. Lim, Calamba City, Laguna nito lamang Martes, Setyembre 27, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr, Regional Director, Police Regional Office 4A, ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Gregory Bogñalbal, Deputy Regional Director for Administration.
Lumahok ang 57 na tauhan mula sa Regional Headquarters, Provincial Offices, at Regional Mobile Force Battalion 4A.
Layunin nitong hubugin ang kaalaman at pahusayin ang kakayahan sa pakikipag-ugnayan sa komunidad para mas madaling magampanan ang tungkulin sa pagpapatupad ng batas upang makamit ang kaligtasan, kaayusan at kaunlaran sa bansa.
“I know we have so much work in our hands, yet, you manage to take this opportunity and further hone your skills and knowledge through this schooling. I wish you all good luck on your future endeavors and may this PCADC produce more competent, professional, and disciplined police officers in the community”, ani RD Nartatez Jr.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin