Pormal na sinimulan ng Police Regional Office 7 ang pagsasagawa ng 15-Day Retooled Community Support Program (RCSP) Training kasunod ng Opening Ceremony na ginanap sa Multi-Purpose Hall, Camp Sergio Osmeña Sr., Cebu City noong Lunes, Disyembre 4, 2023.
Ang programa ay pinangunahan ng naging panauhin at tagapagsalita na si PBGen Brent M Madjaco, Deputy Regional Director for Administration, PRO 7, Chief ng Regional Community Affairs and Development Division 7, PCol Emelie D Santos, at ni PCol Joselito D Borja, Chief ng Regional Chaplain Service.
Ang RCSP ay isang inklusibong programa na naglalayong tugunan ang mga isyu na naitala sa komunidad sa pamamagitan ng paghahatid ng mga angkop na proyekto, programa at aktibidad na magsisilbing tulay para sa tiyak na pagkamit ng isinusulong na kaayusan, kapayapaan at kaunlaran.
Nasa 100 na mga Police Non-Commissioned Officer mula sa iba’t ibang tanggapan ng kapulisan ng rehiyon ang sasailalim sa pagsasanay na nakatakdang magtatapos sa ika-29 nitong buwan.