Timbog ang isang online seller na nagbebenta ng mga iligal na paputok matapos isagawa ang isang entrapment operation ng mga otoridad sa Rizal Street, Mati City, Davao Oriental noong Disyembre 26, 2024.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit 11, Mati City Police Station, Davao Oriental Provincial Field Unit, at Davao Oriental Provincial Cybercrime Response Team.
Ayon kay Police Major Al Anthony I. Gumban, Officer-In-Charge ng Mati City Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Adeline”, 29 anyos, at residente ng Purok Malinawon, Barangay Bobon, Mati City.
Nakumpiska mula sa suspek ang mga paputok at pyrotechnic devices na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php30,000.
Patuloy ang pagsusumikap ng Police Regional Office 11 upang tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng batas at masiguro ang ligtas at masayang mga pagdiriwang sa komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino