Maglalabas ang pulisya ng Central Visayas ng mga personahe na bihasa sa cybercrime kasunod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng online scam.
Sa naging pahayag ni Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ng Police Regional Office 7, nitong Lunes, na layon nilang magtalaga ng hindi bababa sa dalawang “cyber cops” sa bawat istasyon.
Ang mga pulis na sinanay sa Republic Act 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012”, ay itatalaga sa paghawak ng cybercrime investigation at pagsasampa ng mga kaso laban sa mga online scammers na bumibiktima sa mga lokal, saad ni PLtCol Pelare.
Nagpadala ng mga tagapagsanay ang Philippine National Police (PNP) sa Central Visayas upang i-upgrade ang technical expertise sa pag-iimbestiga sa cyber offenses.
Ayon kay PLtCol Pelare, ang Anti-Cyber Crime Unit ng PNP sa rehiyon ay tututok sa mas malalaking cyber offenses na nangangailangan ng masusing imbestigasyon.
Ang adhikaing ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R, Marcos Jr. ang palakasin ang mga cybersecurity system ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng karagdagang pagsasanay sa mga tauhan nito at pamumuhunan sa mga teknolohiya na tutulong sa pagtugon sa dumaraming cybercrime at mga umuusbong na isyu sa cybersecurity.
Source: PNA