Baguio City (January 13, 2022) – Matagumpay ang isinagawang entrapment operation ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Baguio City Police Office, Police Station (PS1) – Naguilian Road at Regional Anti-Cyber Crime Unit – Cordillera (RACU-COR) na nagresulta sa pagkaaresto sa isang suspek sa paglabag sa Art 315 ng Revised Penal Code (RPC) na may kaugnayan sa Section 6 ng Republic Act 10175 noong Enero 13, 2022.
Naaresto si Bb. Gemmalyn Villanueva Flores, 26 taong gulang, at nangungupahan sa #156 Ramon Mitra, Middle Quezon Hill, Baguio City dahil sa reklamong isinampa ni Bb. Jeanina Ann Carpio, 24, at residente ng #22 MRR Queen of Peace, Baguio City hingil sa online scam.
Ayon kay Bb. Carpio, ang nasabing suspek ay nag-order ng mga gamit at flower money sa biktima sa pamamagitan ng facebook messenger at matagumpay na naihatid ang mga ito ngunit ang ipinadalang bayad ng sinasabing suspek ay pekeng resibo ng Western Union.
Samantala, narekober ang isang (1) bouquet na naglalaman ng 15 piraso na Php500 bill at limang (5) piraso na Php1000 bill at ang isa (1) pang bouquet ay naglalaman ng 60 piraso na Php100 bill at 80 piraso na Php50 bill bilang boodle money at isang (1) Nokia celphone na kulay itim.
Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng RACU-COR para sa dokumentasyon bago sampahan ng kaso.
####
Panulat ni PSSg Amyl G Cacliong