Bangued, Abra – Nagsagawa ng one-time big-time clean-up drive ang Abra PNP sa iba’t ibang lugar ng Bangued, Abra, nito lamang Huwebes, Hulyo 7, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLtCol Allan B Guyguyon, Deputy Provincial Director for Administration, Abra PPO, kasama ang tauhan ng Abra PPO PHQ, 1st at 2nd PMFC, PNP SAF, RMFB, PFU, HPG, PIAS at Bangued MPS.
Sila ay sama samang naglinis sa mga sapa, kanal, kalsada at mga palengke sa iba’t ibang lugar ng Bangued.
Ang naturang aktibidad ay bahagi sa pagdiriwang ng ika-27th PCR Month at alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Layunin ng aktibidad na ito na mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasan. Mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.
Source: Abra PPO
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes