Misamis Oriental (January 13, 2022) – Inilunsad ng Misamis Oriental Provincial Police Office (MORPPO) – 2nd Provincial Mobile Force Company ang magkasabay na One Time Big Time (OTBT) at COMELEC Checkpoint operations sa 2nd District ng Misamis Oriental noong Enero 13, 2022.
Ang layunin nito ay tiyakin at paigtingin ang mga operasyon para sa seguridad sa nalalapit na Local and National Election.
Ayon kay PLtCol Mardy Hortilosa II, 2nd Provincial Mobile Force Company Commander, limang (5) simultaneous COMELEC Checkpoints ang inilagay na binubuo ng 40 personnel, para sa police interdiction operations at gun ban violations habang ang COMELEC ay nagpapatupad ng gun ban sa buong bansa.
Habang umabot naman sa 140 indibidwal ang lumabag sa ordinansa na binubuo ng 56 motorista na lumabag sa Other Ordinances Violation Receipt (OVR), habang 84 naman ang lumabag sa mga ordinansa sa trapiko.
Hinikayat din ni PLtCol Hortilosa ang publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad at sundin ang mga alituntunin na itinakda ng mga checkpoints.
Pinaalalahanan din nito ang mga motorista na mahigpit na pinagbabawal ang pagdadala ng mga baril at anumang nakamamatay na armas simula election period noong Enero 9, 2022.
####
Panulat ni Patrolman Jomhel V Tan
Good job PNP