Ambaguio, Nueva Vizcaya – Ipinamalas ng mga kapulisan ng 4th Maneuver Platoon, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (NVPMFC) ang kanilang agarang aksyon nang kanilang tulungan ang isang natumbang sasakyan sa kalsada ng Sitio Naduntog, Barangay Tiblac, Ambaguio, Nueva Vizcaya noong August 6, 2022.
Nakatanggap ng tawag ang yunit mula sa isang concern citizen na may natumbang isuzu elf na naglalaman ng mga dumi ng manok sa paakyat na bahagi ng nabanggit na lugar.
Ayon sa impormasyon na nakalap, nabitin ang sasakyan dahil sa pagkawala ng kontrol sa break na nagresulta sa pagkabangga at pagtumba ng sasakyan sa kanang bahagi ng bangin.
Nagsama-sama ang mga kapulisan at mga residente sa lugar upang itayo ang elf at maiwasan ang trapiko.
Samantala, pinuri ni Police Colonel Ranser A Evasco, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang mga tauhan ng 1st NVPMFC sa agarang aksyon.
Pinayuhan din niya ang mga motorista na ugaliing suriin ang B L O W B A G E T S (Battery, Ligths, Oil, Water, Brake, Air, Gas, Engine, Tools, Self) bago bumiyahe upang mapanatiling ligtas sa paglalakbay.
Source: NVPMFC & Ambaguio PS
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi