Nakiisa ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Infrastructure Project sa Barangay Piut, Caranglan, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-25 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Early Bitog, Force Commander ng 2nd PMFC katuwang ang mga opisyal ng Barangay Piut sa pamumuno ni Hon. Juget M. Feria, Barangay Captain.


Ang nasabing proyekto ay naglalayong tugunan ang problema ng pagbaha at pagguho ng lupa tuwing panahon ng malalakas na ulan sa pamamagitan ng pagtatayo ng gutter upang maayos na mai-channel ang tubig mula sa kabundukan papalayo sa mga tirahan ng mga residente.
Ang inisyatibang ito ay patunay ng dedikasyon ng kapulisan at barangay sa pagbibigay ng serbisyo para sa kaligtasan at kapakanan ng publiko.
Ayon kay Chairman Feria, “Malaki ang maitutulong ng proyektong ito sa aming barangay upang maiwasan ang pagbaha at maprotektahan ang aming mga residente.”
Patuloy ang panawagan ng mga kapulisan at Barangay Piut sa suporta at kooperasyon ng mamamayan upang magtagumpay ang mga ganitong proyekto para sa kapakanan ng lahat.