Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna – Ipinagdiwang ng NPTI o National Police Training Institute ang kanilang ika-31 na anibersaryo na may temang “NPTI @ 31: Providing Adoptable and Sustainable Training in Digital Milieu within the Values of Care, Order and Peace Towards a Progressive Community (M+K+K=K)” sa Camp Vicente Lim, Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna nitong Nobyembre 11, 2022.
Malugod na sinalubong ni Police Major General Domingo Lucas, Director NPTI, staffs at trainees ang Ama ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S Azurin Jr bilang Guest of Honor and Speaker.
Pinakatampok sa anibersaryo ay ang paggawad ng Plaque at Certificate of Recognition kay Police Lieutenant Colonel Marlon V Rufo bilang Best Senior PCO, Police Major Santi Frey Dc Lorenzo bilang Best Junior PCO, Police Executive Master Sergeant Mary Mea J Tadeo bilang Best Senior PNCO, Police Staff Sergeant Marynell D Tizon bilang Best Junior PNCO, NUP Adelina R Moro bilang Best NUP (Supervisory Category), NUP Mark C Yalo bilang Best NUP (Non-Supervisory Category), Ms. Rizza E. Supleo bilang Best Job Order Personnel (Clerical Category) at Mr. Ruel L. Urbano bilang Best Job Order Personnel (Non-Clerical Category) sa kanilang kahanga-hangang serbisyo na ibinigay sa NPTI.
Pinuri at pinasalamatan naman ni PGen Azurin Jr ang institusyon sa kanilang mga kontribusyon sa Pambansang Pulisya at walang patid na dedikasyon sa paghubog ng isang masigasig at matinong Police Non-Commissioned Officers.
Source: NPTI Headquarters
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin