Oriental Mindoro – Isang New People’s Army ang boluntaryong sumuko sa mga kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA sa Puerto Galera, Oriental Mindoro nito lamang ika-27 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rolando Lampad, Force Commander ng RMFB MIMAROPA ang sumuko na may alyas na “Joaquin/ Kulas” na miyembro ng New People’s Army.
Ayon kay PCol Lampad, boluntaryong sumuko ito dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng 404th Maneuver Company RMFB, 1st Provincial Mobile Force Company Oriental Mindoro Provincial Police Office, Bacon Municipal Police Station, at Provincial Intelligence Unit ng Oriental Mindoro PPO.
Ayon pa kay PCol Lampad isinuko rin ni Joaquin ang isang caliber .45 Colt Pistol with defaced serial number, 6 na piraso ng bala ng cal. 45, 2 piraso ng bala ng M203 (40mm) na kasalukuyang nasa pangangalaga ng 404th Battalion Mobile Company, RMFB para sa tamang disposisyon.
Dagdag pa ni PCol Lampad, ang boluntaryong pagsuko ng nasabing indibidwal ay bunga na rin ng panghihikayat ng kanyang mga dating kasamahan na una ng nagbalik-loob sa pamahalaan, sa patuloy na pagmamalasakit at pagtulong ng ating gobyerno na maihatid ang tunay na serbisyo sa ating mamamayan para na din sa pinaigting na laban sa insurhensiya at terorismo sa MIMAROPA.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Source: RMFB MIMAROPA
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus