Oriental Mindoro – Isang dating miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa ating mga kapulisan ng 402nd Bravo Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA noong Setyembre 19, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rolando Lampad Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA ang sumuko na si alyas “Gorio/Sandy” na dating miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay PCol Lampad boluntaryong sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan si “Gorio/Sandy” bandang 2:30 ng hapon sa tulong ng ating mga kapulisan ng 402nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA, 2nd Provincial Mobile Force Company, Occidental Mindoro, Abra de Ilog Municipal Police Station, Sta. Cruz Municipal Police Station at ng Mamburao Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Lampad, kasabay ng kanyang pagsuko ang dalawang rifle grenade at isang bala ng M203 (40mm).
Dagdag pa ni PCol Lampad, siya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng 402nd B MC, RMFB at inaalalayan sa paghahanda ng mga dokumento upang makatanggap ng mga benepisyong hatid ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) mula sa ating gobyerno.
Ito ay bunsod ng direktiba mula sa Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA, Police Colonel Rolando Lampad na lalo pang paigtingin ang paglaban sa insurhensiya at terorismo sa MIMAROPA.
Source: Rmfb Mimaropa
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus