Carmen, Agusan del Norte (January 14, 2022) – Isa pang nagsisising miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Carmen Municipal Police Station (MPS) sa Agusan del Norte noong Enero 14, 2022.
Ipinahayag ni Police Regional Office 13 Regional Director, Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, na sa pamamagitan ng walang humpay na kampanya laban sa CTG’s, sa dobleng pagsisikap nito sa pagsuporta sa programa ng pamahalaan na maibsan ang bansa sa local communist armed conflict, isang (1) dating miyembro ng Militia ng Bayan sa ilalim ng Guerilla Front (GF) 4A ay kusang sumuko.
Ayon sa Carmen MPS, si alyas Joel, 27 taong gulang ay tinulungan ng isang opisyal ng barangay sa munisipalidad ng Carmen sa kanyang pagbaba ng armas.
“Nagising na ang mga miyembro ng CTG sa rehiyon ng Caraga sa riyalidad ng mga panlilinlang na ginawa ng CPP-NPA-NDF at ngayon ay nagbabalik loob. Umaapela kami sa mga aktibong miyembro na sumuko bilang isang mass supporter or as a red fighter”, pagtatapos ni RD Caramat Jr.
Nasa custodial debriefing na ngayon si alyas Joel at bibigyan ng suportang pinansyal, legal na tulong at livelihood package bilang bahagi ng mga benepisyo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
###
Panulat ni Patrolman Romulus E. Villalon – RPCADU 13
Saludo s mga alagad ng batas