Nagsagawa ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ng re-Orientation ng PNP Revitalized KASIMBAYANAN sa Solano Nueva Vizcaya noong ika-9 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Dante Lubos, Officer-In-Charge ng NVPPO at ng Police Community Affair Team (PCAT)-Nueva Vizcaya, Regional Police Community Affairs and Development Unit 2 (RPCADU2) sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Joseph Dela Cruz, kasama si Pastor Danny C Puhay, Regional Coordinator ng My Brother’s Keeper-Life Coaches (MBK-LC).
Nakiisa ang mga Chief of Police at mga Pastors ng iba’t ibang munisipalidad ng Nueva Vizcaya sa naturang aktibidad na ginanap sa Aritao Gymnasium, Aritao, Nueva Vizcaya at sa Pasalubong Center, Solano, Nueva Vizcaya.
Ang aktibidad ay alinsunod sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo A Asurin Jr, na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong pagtibayin ang relasyong ng kapulisan at mamamayan ng may pag-aalaga at tunay na malasakit.
Source: Nueva Vizcaya Police Provincial Office
Panulat ni Pcpl Harry B Padua