Tacloban City – Narekober ng pulisya ang isang granada mula sa naarestong notorious na magnanakaw sa Dulag, Leyte nito lamang ika-8 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Captain Concas A Castello, Officer-In-Charge ng Tacloban City Police Station 1, ang naaresto na si alyas “Makmak”, nasa tamang edad at residente ng Brgy. 83-C Taguiktik, San Jose, Tacloban City.
Ayon kay PCpt Castello, naaresto si alyas “Makmak” sa bisa ng Warrant of Arrest sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station 1 at Dulag Municipal Police Station.
Nahaharap ang akusado sa krimeng pagnanakaw na may piyansang Php10,000 at kasong paglabag sa RA 9516 o Codifying the Laws on Illegal/Unlawful Possession of Firearms and Ammunitions.
Patuloy na hinihikayat ng PNP ang mamamayan na patuloy na makipagtulungan upang makamit ang kaayusan sa ating lipunan.