Wednesday, May 21, 2025

‘No Tolerance for Cover-Ups’, mahigpit na ipatutupad

Muling pinaalalahanan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D Marbil ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘No Tolerance for Cover-Ups’ o ang Zero Tolerance Policy laban sa anumang uri ng katiwalian ng mga pulis.

Ang muling pagtutok sa patakarang ito ay bahagi ng patuloy na reporma sa loob ng PNP na nakaangkla sa propesyonal na serbisyo at layunin ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay PGen Marbil, tungkulin ng lahat ng unit commanders ang magbigay ng tapat at tamang ulat, lalo na sa mga insidenteng may kinalaman sa mga nasawi o sugatang pulis sa operasyon.

Aniya, “Dapat tayong maging bukas at totoo sa pag-uulat kung ano talaga ang nangyari sa ating mga tauhan sa baba — kung sila nga ba ay nasawi o nasugatan habang ginagampanan ang tungkulin. Karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan, at karapatan din ito ng mga pamilya ng ating mga pulis.”

“Panagutin natin ang mga commander na mapapatunayang nagtatakip sa kanilang mga tauhan. Wala nang dapat na gray area pagdating sa katotohanan at pananagutan. Dapat ang ating mga kilos ay sumasalamin sa mga pinahahalagahan nating prinsipyo,” dagdag ni PGen Marbil.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles