Rizal — Arestado ang No.7 Most Wanted Person ng Cubao Police Station (PS 7) sa kasong RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition nito lamang Linggo, Enero 15, 2023.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Nicolas D Torre III, ang akusado na pinangalanan nyang si Richard, residente ng Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.
Ayon kay PBGen Torre lll, bandang 12:30 ng tanghali nang ihain sa suspek ang Warrant of Arrest sa loob ng Custodial Facility ng Rodriguez MPS na matatagpuan sa Kamagong St., Rodriguez, Rizal ng pinagsanib puwersa ng operatiba ng PS 7 sa pamumuno ni PLtCol Joseph C Almaquer kasama ang Rodriguez MPS.
“Binabati ko ang ating mga pulis sa pagiging masigasig sa pag-aresto sa mga Most Wanted Persons at sisiguraduhin natin na sila ay mananagot sa mga kasong isinampa laban sa kanila,” ani PBGen Torre III.
Source: PIO QCPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos