Antique – Naaresto ang itinuturing na No. 1 Regional Most Wanted Person sa Western Visayas sa isinagawang pagsilbi ng Warrant of Arrest sa Brgy. Centro Poblacion, Culasi, Antique, nitong ika-22 ng Hulyo 2023.
Ayon kay Police Colonel Rogelio Abran Jr, Acting Director ng Antique Police Provincial Office, ang akusado ay naaresto bandang 8:14 ng gabi ng mga tauhan ng Caluya Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit at Provincial Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit 6.
Ang aksusado ay isang 24 anyos na lalaki, isang laborer at residente ng nabanggit na bayan ng Antique.
Ayon pa kay PCol Abran, ang akusado ay nasakote sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Rape na walang inirekomendang piyansa para sa panandaliang paglaya nito.
Ang Antique PNP ay patuloy sa pagiging mahusay sa pag-aresto sa mga taong may pananagutan sa batas upang mabigyan ng karampatang hustisya ang mga taong nabiktima nito at pinapaalalahanan ang publiko na makiisa sa mga programa ng kapulisan para sa isang tahimik at ligtas na komunidad.