Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit Bukidnon at Impasug-ong Municipal Police Station ang isang Mewly Identified High Value Individual na nagresulta sa pagkakasabat ng tinatayang Php374,000 halaga ng shabu sa Zone 3, Impalutao, Impasug-ong, Bukidnon nito lamang Hunyo 14, 2024.
Ayon kay Poloce Colonel Jovit L Culaway, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, nagresulta ang isinagawang operasyon sa pag-aresto sa suspek na si alyas “Dodong”, isang Newly Identified High Value Individual, 31 anyos, at residente ng Purok 3, Dalwangan, Malaybalay City, Bukidnon.
Nakumpiska sa operasyon ang mga drug paraphernalia at hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na aabot sa 55 gramo na may street value na Php374,000.
Binati naman ni PCol Culaway ang Bukidnon PNP sa mahusay na pagkakaaresto sa suspek at sinabing “Your dedication and commitment in upholding law and order are truly commendable. Let us continue the relentless efforts to strengthen our fight against criminality and illegal drug operations for a safer Bukidnon. Keep up the good work!”