Arestado ang isang Newly Identified Drug Suspect sa isinagawang buy-bust operation ng mag operatiba ng El Salvador City Police Station sa Himaya, El Salvador, Misamis Oriental nito lamang ika-19 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Patrick B Dalangin, Chief of Police ng El Salvador City Police Station, ang drug suspek na si alyas “Berns”, residente ng nasabing lugar.
Sa ikinasang buy-bust operation ay nagresulta ng pagkakakumpiska ng tatlong maliliit na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na tatlong gramo at may street value na Php20,400 at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra ilegal na droga para sa seguridad at kaligtasan ng komunidad.