Arestado ang isang kinilalang Newly Identified Drug Personality sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Malaybalay City Police Station at Bukidnon Provincial Intelligence Unit sa Barangay Managok, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Nobyembre 30, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joepet Paglinawan, Officer-In-Charge ng Malaybalay CPS, ang suspek na si alyas “Arman”, 42 anyos, kinilalang Newly Identified Drug Personality at residente ng nasabing lugar.
Bandang 5:00 ng hapon nang ikasa ang operasyon at nakuha ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na apat na gramo na may Standard Drug Price na Php23,703 at isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Hilagang Mindanao na nagtutulungan sa paglaban kontra ilegal na droga upang mapanatiling payapa at ligtas ang komunidad.