Saturday, May 17, 2025

New Year’s Call, isinagawa ng PRO BAR

Maguindanao del Norte – Isinagawa ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang Traditional New Year’s Call na ginanap sa Bigkis-Lahi Hall, Camp BGen Salipada Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-14 ng Enero 2024.

Ang naturang pagdadaos ay pinangunahan ni Police Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director ng PRO BAR kasama ang mga opisyales mula sa Command Group, Regional at Support Staffs, Regional Support Units, RESPO, at mga piling Non-Uniformed Personnel.

Ang kaganapang ito ay nagsilbi din bilang pagkakataon para sa pagninilay-nilay hinggil sa tagumpay, mga nalampasan na hamon at kolektibong pangarap para sa taong 2024.

Ipinahayag din ni PBGen Nobleza, ang kanyang pasasalamat sa masigasig na pagtatrabaho at matibay na paninindigan na ipinakita ng mga tauhan ng PRO BAR sa nakalipas na taon.

“Ang aking pasasalamat sa matapat na serbisyong inyong patuloy na binibigay para sa ating bayan at sa suportang pinagkaloob ninyo sa aking pamumuno. Sa taong ito, inaanyayahan kong muli, na mas lalo pa nating pag-ibayuhin ang paglilingkod sa taong bayan, paigtingin ang ating pagtutulungan at magkaisang suportahan ang lahat ng mga programa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas at ng ating pamahalaan tungo sa tunay na pag-unlad at pagbabago ng rehiyong Bangsamoro,” ani PBGen Nobleza.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles