Cagayan de Oro – Idinaos ang 2024 New Year’s Call para kay Regional Director ng Police Regional Office 10 na si Police Brigadier General Ricardo Layug, Jr., na ginanap sa Regional Headquarters Covered Court, Camp Vicente Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-17 ng Enero 2024.
Nagsama-sama ang lahat na matataas na miyembro ng PRO10 upang ipakita ang paggalang bilang pinakamataas na opisyal sa nasabing rehiyon.

Ang New Year’s Call ay isang taunang tradisyon ng Philippine National Police na sumisimbolo sa panimula ng taon na mapanatili ang hangarin ng pagkakaisa sa organisasyon at muling pagtibayin ang kanilang pangako na maglingkod sa bayan.
Pinuri ni RD Layug ang lahat ng mga miyembro ng PRO10 partikular ang mga opisyal, sa buong suporta at walang patid na dedikasyon upang maipagpatuloy ang kaayusan at kapayapaan sa Hilagang Mindanao. Hangad niya ring ipagpapatuloy ang nasimulang ‘’Serbisyong Cardo, Serbisyong May Puso’’ .
Panulat ni Patrolwoman Rheame Sanchez