Tiklo ang isang negosyante matapos makumpiskahan ng baril at mga bala sa General Paulino Santos Avenue, Brgy. Poblacion, Norala, South Cotabato, dakong 9:00 ng umaga nito lamang Biyernes, Disyembre 1, 2023.
Kinilala ni Police Major Erika Vallejo, Officer-In-Charge ng Norala Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Datu”, 69 anyos, at residente ng naturang lugar.
Narekober mula sa suspek ang isang unit ng 9mm pistol, mga magazine, mga bala, firearm box at iba pang firearm accessories at kasong paglabag sa R.A.10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.
Tiniyak naman ni PMaj Vallejo na patuloy ang buong hanay ng Norala PNP sa kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin