Bukidnon – Naaresto ang 34-anyos na negosyante sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Malaybalay City Police Station kung saan nasabat ang droga at baril nito lamang Biyernes, Enero 13, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ritchie Salva, Officer-In-Charge ng Malaybalay City Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Oliver”, 36, negosyante, at residente ng Purok-17, Brgy. Casisang, Malaybalay City, Bukidnon.
Nakumpiska mula sa suspek ang apat na pirasong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 5.33 na gramo na nagkakahalaga ng Php34,244, isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang unit ng Colt MK IV caliber .45 na may serial number 060852, dalawang steel magazine, limang cartridges ng caliber .45, apat na misfired cartridges ng caliber .45, isang sling bag, isang portable digital weighing scale, at cash money na nagkakahalaga ng Php1,970.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang mga miyembro ng Hilagang Mindanao PNP ay patuloy sa operasyon laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatiling maayos at ligtas ang mamamayan ng ating nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10