Northern Samar – Naging matagumpay ang isinagawang negosasyon ng mga awtoridad sa dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Brgy. Imelda Mondragon, Northern Samar nito lamang Lunes, Setyembre 4, 2023.
Kinilala ni Police Captain Solomon Agayso, Officer-In-Charge ng 803rd MC RMFB 8, ang sumuko na sina alyas “Ronald”, 22 at alyas “Jun”, 44, pawang magsasaka at miyembro ng Unit Militia.
Ang kanilang pagsuko ay resulta ng walang tigil na negosasyon ng mga tauhan ng 803rd Maneuver Company, RMFB 8 kasama ang 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, 125SAC 12SAB PNP-SAF at Mondragon Municipal Police Station.
Samantala, sumailalim naman sila sa custodial debriefing at binigyang tulong para sa aplikasyon sa pag-eenroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Patuloy naman ang pagpapaigting ng PNP sa programa kontra terorismo upang hikayatin ang natitira pang miyembro ng makakaliwang grupo na talikuran na at bawiin ang suporta sa CPP-NPA-NDF tungo sa isang maayos, maunlad, mapayapang bayan.