Pinaigting ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad ngayong Semana Santa at summer break na pinangunahan ni Police Major General Anthony A. Aberin, Regional Director, ang pag-iikot sa mga bus terminals sa NCR nito lamang Miyerkules, Abril 16, 2025.
Nagtungo si PMGen Aberin sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at sa mga bus terminal sa Quezon City upang bisitahin ang mga pulis na naka-deploy, tiyakin ang kahandaan ng puwersa, at palakasin ang presensya ng pulisya.
Araw-araw ding makikitang nag-iikot kasama ang mga opisyal upang tutukan ang mga deployment.

Mahigit 10,000 pulis ang inilagay sa mga terminal, simbahan, tourist spots, pangunahing kalsada, at iba pang mataong lugar para sa anti-criminality, traffic management, at public safety.
“Ngayong panahon ng pagninilay, nais natin ng NCRPO na tunay na ramdam, kita, at naririnig ng publiko para sa ligtas at payapang Semana Santa,” ani Aberin.
Source: NCRPO PIO
Panulat ni PMSg Gargantos, RM