Camp Bagong Diwa, Taguig City — Mula Enero 9, 2022, hanggang Mayo 8, 2022, nakapagtala ng humigit-kumulang 29,000 police operations ang National Capital Region Police Office sa panahon ng kampanya at sa mismong eleksyon.
Ito ay sa pangunguna ni Regional Director Police Major General Felipe Natividad kaya naging matagumpay at walang bahid ng dahas ang halalan kahapon at sa kasalukuyan.
Ayon kay PMGen Natividad, may kabuuang 27,444 na checkpoints ang isinagawa ng kanyang mga tauhan kung saan 20,468 dito ay sa pinagsanib pwersa ng PNP at COMELEC habang 6,976 naman ay sa PNP at AFP.
Nasa 1,016 naman ang bilang ng iba pang operasyon ng pulisya tulad ng search warrant, warrant of arrest, police patrol responses, oplan bakal at buy-bust operations. Kaugnay nito, 1,135 ang kabuuan ng mga naaresto mula sa nasabing mga operasyon.
Dagdag pa ni PMGen Natividad, 571 na baril ang narekober na kinabibilangan ng 392 short firearms, 5 long firearms, at 174 gun replicas, improvised firearms tulad ng “sumpak” at “paltik”.
Samantala, ang iba pang nakamamatay na armas na nakumpiska ay umabot sa 4,316 tulad ng 597 bladed/pointed weapon, 8 granada, 18 explosives at 3,693 ammunitions.
Patuloy namang paiigtingin ng NCRPO ang kanilang mga operasyon upang mapanatili ang katahimikan sa Metro Manila lalo na sa araw ng halalan.
“The most awaited day is about to come, and we would like to guarantee that police officers will be on the ground. Sapat ang ating itinalaga na mga pulis sa bawat presinto upang madaling lapitan at hingian ng tulong ng ating mga kababayan,” ani PMGen Natividad.
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos