Saturday, November 16, 2024

NCRPO nakiisa sa Nationwide Simultaneous Flag Raising Ceremony

Camp Bagong Diwa, Taguig City — Nakiisa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Nationwide Simultaneous Flag Raising Ceremony sa harap ng RHQ Building, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City bilang pagdiriwang sa National Flag Day nito lamang Sabado, Mayo 28, 2022.

Pinangunahan ito ni NCRPO Regional Director, Police Major General Felipe Natividad na dinaluhan naman ng kanyang mga tauhan kabilang ang mga Police Commissioned Officers at Non-Commissioned Officers.

Masigla nilang inawit ang Lupang Hinirang at itinaas ang watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng pagkakaisa ng bawat Pilipino, at sumasalamin sa mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.

Bukod dito, ang watawat ay paalala rin sa pagkamakabayan at sakripisyo ng ating mga ninuno upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop.

Ginugunita ang unang paggamit ng watawat ng Pilipinas matapos ang tagumpay sa Labanan sa Alapan noong 1898. Ito ang unang tagumpay militar ng mga Rebolusyonaryong Pilipino sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo pagkatapos ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas mula Hong Kong.

Samantala, dito naman pumapasok ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 179 na nilakdahan upang mapalawig ang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 kung saan hinihikayat ang lahat ng Pilipino na ipakita ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan at ahensya ng gobyerno, mga establisyimento, paaralan, at pribadong tahanan sa buong bansa.

Hinikayat naman ng NCRPO Command Group ang bawat pulis na gisingin ang kanilang likas na diwa ng pagiging makabayan.

“Sa atin pong hanay, simple lamang po ang ating pakiusap, magtrabaho po tayo ng maayos at tama at laging isa-puso ang disiplina. Sa ganitong paraan ay mabibigyan natin ng hustisya at karangalan ang sakripisyong inalay ng ating mga ninuno para sa ating kalayaan”, ani PMGen Natividad.

Source: PIO NCRPO

###

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles