Matagumpay na naidaos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pamumuno ni Police Major General Anthony A. Aberin ang 2025 Midterm Elections sa Metro Manila noong Lunes, Mayo 12, 2025, nang walang naitalang malaking insidente ng karahasan o kaguluhan.
Mahigit 22,000 NCRPO personnel ang na-deploy sa mga presinto, terminal, at lansangan, katuwang ang AFP, BFP, PCG, at mga force multipliers upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng mga botante.
Bunsod ng maagang paghahanda, 24/7 na monitoring, at aktibong koordinasyon sa COMELEC, LGUs, at volunteers, naging tahimik at ligtas ang halalan. Minor concerns lamang ang naitala at agad na naresolba.
“Tagumpay ito ng buong sambayanan. Salamat sa mamamayan ng Metro Manila sa kanilang disiplina at pakikiisa,” ani PMGen Aberin.
Magpapatuloy ang seguridad ng NCRPO habang isinasagawa ang bilangan ng boto at hanggang sa opisyal na pagtatapos ng election period.