Nilahukan ng 53 na mag-asawa ang isinagawang Mass Wedding at Renewal of Vows ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa St. Joseph Parish, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City nito lamang Martes, ika-19 ng Marso 2024.
Pinangunahan ni NCRPO Regional Director Police Major General Jose Melencio C Nartatez Jr, ang napakahalagang kaganapang ito kasabay ng kanyang kaarawan bilang repleksyon ng kanyang pamumuno, matatag na paniniwala sa kabanalan ng kasal at sa napakahalagang papel ng buhay pamilya, ito ay ang isang sagradong responsibilidad upang itaguyod ang mga mithiin ng pagiging disente, moral, at katapatan ng mag-asawa.
Ang kaganapan ay taimtim na pinangunahan ni Cardinal Jose F Cardinal Advincula, Jr, Arsobispo ng Maynila kasama sina Rev Fr Jerome R. Secillano, Rev Fr Eduardo Fernandez, Rev Fr Jude Besinga, at Police Col Marlou N Labares.
Ang seremonya ng Mass Wedding at Renewal of Vows ang pinakamaraming bilang na mag-asawa sa kasaysayan ng NCRPO.
“Ikinagagalak naming masaksihan ang napakahalagang okasyong ito na nagpapakita ng buklod ng pagmamahalan at dedikasyon ng ating mga tauhan ng NCRPO,” ani PMGen Nartatez. “Ang kanilang pangako sa tungkulin at kanilang mga pamilya ay nagbibigay-inspirasyon sa ating lahat at nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagkakaisa at suporta sa loob ng ating hanay,” dagdag pa niya.
Source: RPIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos