Nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang mga tuahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa naganap na National Rally for Peace ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand, Maynila nito lamang Lunes, Enero 13, 2025.
Ayon kay Police Brigader General Anthony A Aberin, Acting Regional Director ng NCRPO, mahigit sa 5,000 pulis mula sa NCRPO, Region 3 at 4A ang idineploy upang maayos na mabantayan ang mga lansangan at ang kaligtasan ng milyon-milyong dumalo na indibidwal sa naturang kaganapan.
Katuwang din ng PNP ang iba pang mga ahensya ng gobyerno sa paghahatid ng serbisyo para sa kaayusan at kapayapaan ng mga lumahok sa naturang pagtitipon ng mga kapatid nating Iglesia Ni Cristo.
Binigyang diin naman ng aktibidad na ito ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino hinggil sa mga problemang pinagdadaanan ng bansa.
Kaisa ang PNP sa magandang hangarin ng INC para sa isang maunlad at mapayapang bansa.
Source: PIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos